Patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa Northern at Central Luzon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, makararanas ang malaking bahagi ng Luzon ng isolated light rains dahil sa Amihan.
Sa bahagi ng Quezon at Bicol region, asahan naman ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan bunsod pa rin ng nasabing weather system.
Sa nalalabi namang bahagi ng bansa, may tsansang magkaroon ng thunderstorms hanggang Miyerkules ng gabi.
Paalala ni Rojas, mas malakas ang thunderstorms sa Mindanao kaya maaring umiral ang malakas na pag-ulan na posibleng magresulta sa pagbaha o pagguho ng lupa.
Samantala, wala aniyang epekto sa lagay ng panahon sa bansa ang dalawang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ani Rojas, palayo ang direksyon ng parehong bagyo.
Maliban sa nasabing dalawang bagyo, walang inaasahang mabubuong bagyo sa loob ng teritoryo ng bansa hanggang sa katapusan ng Oktubre.