Sinong takot sa ICC? Hindi ako! – Sen. Bato dela Rosa

By Jan Escosio October 27, 2021 - 05:27 PM

Madiin ang pagtanggi ni Senator Ronald dela Rosa na natatakot siya sa pagharap sa International Criminal Court (ICC).

 

Sinabi ito ni dela Rosa matapos ibahagi sa publiko ni Pangulong Duterte na ninenerbiyos ang senador sap ag-iimbestiga ng ICC sa war on drugs ng administrasyon.

Ayon kay dela Rosa nabanggit lang naman niya kay Pangulong Duterte ang isyu dahil ito ang commander-in-chief.

 

“Relax ka lang, akong bahala dito. I assume full responsibility of everything that happened during my presidency. Wag kang mag-alala,” ito ayon kay dela Rosa ang sinabi sa kanya ni Pangulong Duterte.

 

Diin nito, hindi siya natatakot sa ICC; “ Hindi naman ako takot diyan dahil malinis naman ang puso ko.”

 

Nang italaga si dela Rosa bilang hepe ng PNP, siya na ang ang namuno sa sa pagkasa ng ‘Oplan Tokhang,’ na nagresulta naman sa pagkamatay ng libo-libong suspected drug personalities.

 

Pag-amin naman ng senador na hindi ordinaryong korte ang ICC, na isinalarawan pa niyang tulad ni ‘Goliath.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.