Konstruksyon ng PNR Clark Phase 2, puspusan pa rin

By Angellic Jordan October 27, 2021 - 04:41 PM

Puspusan pa rin ang konstruksyon ng Philippine National Railway (PNR) Clark Phase 2 (Malolos-Clark) project.

Ayon kay Transportation Art Tugade, naayos na ang hugos ng unang pile cap ng proyekto sa bahagi ng Pier 302 sa Apalit Station sa Apalit, Pampanga.

Sinabi ng kalihim na nasa 32.58 porsyento na ang overall completion ng naturang proyekto hanggang September 2021.

Bahagi ng 147-kilometer North-South Commuter Railway (NSCR) line ang PNR Clark 2.

Magkakaroon ang PNR Clark 2 ng 35 istasyon kung saan mag-ooperate ang 464 train cars na may 58 8-car train sets configuration.

Oras na makumpleto, mula sa isang oras at kalahating biyahe, magiging 30 hanggang 35 minuto na lang ang travel time sa pagitan ng Bulacan at Pampanga.

TAGS: Build Build Build program, Clark, DOTrPH, InquirerNews, Malolos, NSCR, PNRClark2, RadyoInquirerNews, RailwaysSectorsWorks, Build Build Build program, Clark, DOTrPH, InquirerNews, Malolos, NSCR, PNRClark2, RadyoInquirerNews, RailwaysSectorsWorks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.