DepEd siningil ng mga guro sa kanilang mga utang na benepisyo
Umaabot na sa 1,446 public school teachers ang namatay o tinamaan ng COVID 19 sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.
Kanina, tinupad ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT) ang pinagsamang listahan ng mga pampublikong guro na nagkasakit at namatay dahil sa COVID 19 mula noong unang araw na ideklara ang state of calamity dahil sa pandemya.
Ayon sa grupo, hiningi ni Education Sec. Leonor Briones ang pangalan ng mga nagkasakit na guro, kabilang na ang mga hindi pa naiulat at hindi nabigyan ng kompensasyon.
“As we continue to adhere to our education department’s “No child left behind” policy, we also raise our lingering concerns over our government’s long criminal neglect, if not total abandonment, of its more than 900,000 public school teachers and education support personnel who daily bear the brunt of the new education normal,” ayon sa grupo.
Anila sa Luzon, may 364,824 na dumanas na ng ibat-ibang hirap hindi lamang sa pandemya kundi sa ibat-ibang uri ng kalamidad, bukod pa sa digmaan, ang hindi pa nabibigyan ng kanilang Magna Carta benefits.
Puna pa ng ASSERT, dahil sa manipulasyon at hindi tamang pagta-trabaho ng mga opisyal ng kagawaran, nagkakaroon ng ‘underspending’ sa DepEd gayung may mga benepisyo na hindi naibibigay sa mga guro.
“Let it be made clear that we are not asking for more in terms of budgetary allocations. We are only asking for the immediate release and prompt payment of what have long been due us by operation of law, our Magna Carta and our yearly GAA,” pagdidiin ng grupo, na nagsagawa ng programa sa harapan ng punong-tanggapan ng DepEd sa Pasig City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.