Nakatakdang pasinayaan ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang bagong Corporate Building ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa Lapu-Lapu City, Cebu sa Huwebes, October 28.
Layon ng bagong pasilidad na makapaghatid ng mas maayos na serbisyo at accessibility to clients. Construction works began last 28 March 2021.
Kapareho ng naturang gusali ang disenyo ng MCIA.
Magkakaroon ang corporate office building ng daanan na magkokonekta sa terminal buildings upang maiwasan ang pagtawid sa vehicle lanes.
Kasabay ng inagurasyon ni Transportation Secretary Art Tugade sa MCIAA Corporate Building and Command Center, magsasagawa rin ng inspeksyon sa secondary runway ng paliparan, na inaasahang matatapos sa May 2022.
Samantala, magbibigay din ng update ang CAAP sa iba pang airport projects, kabilang ang development projects sa Bantayan Airport sa Bantayan Island, at konstruksyon ng Medellin Airport sa bayan ng Medellin at Camotes Airport sa bayan ng San Fransisco.