Mga Hukom may pasok sa araw ng eleksyon

supreme-court
Inquirer file photo

Inutusan ng Court Administrastor ang mga Hukom o Judges sa bansa na pumasok sa kanilang opisina sa May 9, Lunes aras ng halalan.

Sa inilabas na memorandum na nilagdaan ni Court Administrator Midad Marquez, kanyang sinabi na mananatiling bukas ang mga Regional Trial Courts, Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts pati ang mga single-sala courts para tugunan ang mga election-related cases.

Inatasan din ang mga clerk of courts na magtalaga ng skeletal force para mabilis na maaksiyunan ang mga reklamo na inaasahang lulutang sa mismong araw ng halalan.

Sinabi Marquez na taun-taon ang mga ganitong pangyayari at ayaw na nilang maulit ang mga reklamo ng kawalan ng mga on-duty na mga Judges sa mga oras na kailangan sila sa pwesto.

“In the interest of the efficient administration of justice and to ensure the speedy disposition of election-related cases, you are hereby directed to report to your respective courts on May 9, 2016, to act on all election matters within your jurisdiction and to resolve the same with utmost caution and dispatch,” ayon sa circular na inilabas ng Court Administrator.

Read more...