Ilang pekeng kagamitan, nadiskubre ng BOC sa Maynila
Nag-inspeksyon ang Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP), kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG), sa isang warehouse sa Binondo, Maynila.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakadiskubre ng ilang Intellectual Property Rights (IPR) infringing goods.
Matapos makatanggap ng intelligence information na naglalaman ng IPR infringing goods ang naturang warehouse, naglabas ng Letter of Authority (LOA) laban sa may-ari, representante kung saan natanggap ang kontrabando.
Kabilang sa mga nakita sa warehouse ang Dior Facemasks, Jeep Caps, Hello Kitty Pajamas, Baseus Electronics, at iba pa.
Dahil wala ang unit owner o representante, sinuspinde ang inspeksyon at pansamantalang sinelyuhan ng 8484 markings ang ilang kagamitan.
Magsasagawa ng full inventory ang BOC customs examiner sa lugar, kasama ang CIIS MICP, PCG, at mga representante ng warehouse.
Nakatakdang kunin ng mga awtoridad ang mga kontrabando dahil sa paglabag sa Section 118 na may kinalaman sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.