Mobile Number Portability, ‘flop’ sa Filipino subscribers – solon

By Jan Escosio October 27, 2021 - 02:01 PM

Malamig ang pagtanggap ng Filipino mobile subscribers sa Mobile Number Portability Act, na sinimulang ipatupad noon lang Setyembre 30.

 

Ayon kay House Assistant Minority Leader France Castro, hindi nangyari ang inaasahan na magiging ‘game changer’ ang naturang batas.

 

Una nang napa-ulat, na inaasahan na maraming prepaid subscribers ng PLDT – Smart at Globe ang lilipat o kukuha ng subscription sa Dito Telecommunity dahil sa naturang batas, ngunit hindi ito nangyari.

 

Ngunit, sa higit 100 milyon mobile phone users sa bansa, 1,000 lang ang lumipat sa Dito, ayon na rin kay Telecommunications Connectivity Inc (TCI) head Melanie Manuel.

 

Mismong si Castro na ang nagbigay ng mga maaring dahilan at una aniya dito ay huli na ang pagpapatupad ng batas dahil marami ng Apps na nag-aalok ng messaging at  call-video services gaya ng FB Messenger, WhatsApp, Viber, Telegram, Line at IMO.

 

Nandiyan din aniya ang ‘loyalty’ ng subscribers sa gamit na nilang SIM.

 

Posible din, ayon pa kay Castro, na hindi pa kilala ng husto ang Dito at pinagduduhan pa ang kalidad ng serbisyo ng itinuturing na third major telco sa bansa, bukod pa sa mga isyu ng kinasasangkutan nito tulad sa pambansang seguridad at mga reklamo na ng kanilang subscribers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.