PUJ drivers isama sa libreng sakay program ng gobyerno – Sen. Ping Lacson

By Jan Escosio October 27, 2021 - 01:58 PM

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na isa maaring gawing solusyon sa kawalan ng kita ng maraming jeepney drivers sa bansa ay isama sila sa pag-aalok ng libreng sakay ng gobyerno.

 

Sa isinagawang konsultasyon ni Lacson sa mga public utility jeep (PUJ) drivers sa Lipa City, unang idinaing sa kanya ang paghihikahos ng kanilang sektor dahil sa mga ipinatutupad na limitasyon ng gobyerno sa kanilang pagpasada.

 

“Bakit hindi gamitin ‘yung libreng sakay sa jeepney na i-su-subsidize ng gobyerno?” banggit ni Lacson sa mga tsuper na miyembro ng grupong Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa CALABARZON.

 

Himutok ng mga drivers, bagamay may service contracting program ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Transportation (DOTr), tanging ang nakakontrata ay mga malalaking kompaniya ng bus at operators ng modern jeepneys.

 

Ibinahagi din ni Lacson na hanggang ngayon ay nakabinbin sa Senado ang pagtutulak ng sinasabing phase-out ng mga traditional jeepneys sa katuwiran niya na marami pang isyu na hindi nalilinawan.

 

“Napakamahal ‘nung jeepney, ‘yung pagpapalitin na jeepney. Hindi namin po inaprubahan ito sa Senado. Sinabi namin kailangang pag-aralan nang masusi kasi hindi kakayanin ng mga driver at ano ang gagawin doon sa mga jeepney na namamasada pa?” aniya.

 

Dagdag pa ni Lacson; “Hindi po na-resolve ‘yung isyu na ‘yon dahil ‘yung napakarami naming katanungan sa DOTR, hindi nila nasasagot kasi maraming na-displace, lalo na ngayong pandemya.”

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.