PNoy, dapat tiyakin ang malinis at maayos ang halalan

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Sa halip na himukin ang mga kandidato na magkaisa laban sa posibleng diktaduryang dala ni presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte, mayroong panawagan ang kampo ni Vice President Jejomar Binay kay Pangulong Aquino.

Ayon kay Joey Salgado na information officer ni Binay, dapat pagtuunan na lamang ng pansin ni Pangulong Aquino ang pagti-tiyak na magiging malinis, makatotohanan at ligtas sa karahasan ang gaganaping halalan sa Lunes.

Wala rin naman aniyang laman ang ganitong panawagan ni Pangulo na magkaisa ang mga kandidato dahil siya mismo ay panay ang banat sa mga kalaban ng kaniyang pambatong si Mar Roxas.

Dagdag pa ni Salgado, dapat ay igalang ng publiko kung ano man ang lalabas na resulta ng halalan na naisagawa sa malinis na paraan.

Patuloy naman aniya ang laban ni Binay para sa isang gobyernong hindi manhid at palpak, at tunay na naglilingkod sa mahihirap.

Sa isang panayam naman, sinabi ni Binay na umaasa siyang maging “legacy” ng administrasyong Aquino ang pagkakaroon ng malinis na halalan.

Read more...