China pinasalamatan ni Pangulong Duterte sa COVID 19 vaccines

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China dahil sa pagsuporta sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian (ASEAN) sa pagtugon sa COVID 19 pandemic.

 

Sa pahayag nito sa  38th and 39th ASEAN Summits and Related Summits sa pamamagitan ng video conference, sinabi nito na malaking tulong ang mga bakuna na gawa sa China.

 

“ASEAN’s road to recovery from the coronavirus pandemic will be long and difficult as the region reels from the impact of the contagion,” pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Binigyang diin din  nito ang pagkakaroon  ng komprehensibong implementasyon ng  ASEAN Comprehensive Recovery Framework at ang agarang pagtatag ng   ASEAN Centre on Public Health Emergencies and Emerging Diseases.

 

Bukod sa mga bakuna, pinasalamatan din ni Pangulong Duterte ang China sa pagtugon sa climate change at geopolitical issues.

Read more...