Poe, handang makipagusap kay Roxas pero walang balak umatras

By Kathleen Betina Aenlle May 07, 2016 - 05:23 AM

poe marWalang problema kay Sen. Grace Poe na makipagusap kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas kaugnay sa sinasabi nitong pagpigil sa nakaambang diktadurya sa bansa.

Ayon kay Poe, handa siyang makausap ang katunggali sa presidential race, pero agad niyang iginiit na wala siyang balak na magpaubaya sa Liberal Party at iatras ang kaniyang kandidatura.

Aniya, kahit anong oras ay maari naman siyang kausapin ni Roxas lalo na kung tungkol ito sa ikabubuti ng bayan.

Kasunod ng paglilinaw niya na wala siyang balak umatras sa laban, sinabi pa ng senadora na marami na siyang pinagdaanan at bitbit niya ang mga pag-asa ng mga mamamayan na hindi dapat ipagpaliban.

Ang pahayag na ito ni Poe ay kaugnay sa panawagan ni Roxas na magkausap sila at magkaisa laban sa posibleng pagkaka-halal ng isang pinunong walang pakialam sa katapatan, integridad, transparency, responibilidad at pagiging disente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.