VP Leni nakipag-chikahan sa mga kasambahay, nangako ng suporta at proteksyon

Siniguro ni Vice President Leni Robredo na ganap niyang ipapatupad ang Republic Act 10361 o ang Kasambahay Law.

 

Sa kanyang virtual meeting sa ilang kasambahay, sinabi ni Robredo na matagal na niyang sinusuportahan ang  social services para sa mga ito.

 

Aniya, ang batas ang sa kanyang palagay ang pinakamabuting paraan para makuha ng mga nagsisilbi sa mga pamilya at bahay kung ano ang nararapat sa kanila.

 

Ipinaliwanag ni Robredo na ang hangarin niya ay mapagtibay ang ekonomiya at maayos na pamamahala para mabigyan ng ganap na proteksyon ang mga kasambahay, kasama na ang OFWs na nais nang bumalik sa Pilipinas.

 

Ayon kay Robredo maraming Filipino na nasa domestic o household service sa ibang bansa ang nais nang umuwi sa Pilipinas ngunit hindi nila ito magawa dahil sa kakulangan ng oportunidad dito sa bansa.

 

Sinabi pa nito na nakasaad naman sa nabanggit na batas ang mga proteksyon sa mga kasambahay laban sa pang-aabuso, mababang suweldo at kakulangan ng benepisyo.

 

“Yun iyong pinagtatrabahuhan natin ngayon na sana mayroon tayong choice. Sana habang nanunungkulan tayo, ‘yung pamahalaan, ‘yung mga batas natin binibigyan tayo ng sapat na support system para naaasikaso hindi lang tayo pero iyong mga pamilyang iniiwan natin dahil nagtatrabaho tayo sa iba,” dagdag pa ni Robredo sa mga nakausap na kasambahay.

 

 

 

 

Read more...