Ayon sa desisyon ni RTC Branch 52 Judge Angelo Arizala, P500,000 ang halaga kapalit ng pansamantalang kalayaan ni Reyes.
Gayunman, hindi pa nakakapaglabas ng hiwalay na ruling ang parehong korte kaugnay naman sa parehong petisyon ng kapatid ni Reyes at hinihinalang mastermind sa krimen na si dating Palawan Gov. Joel Reyes.
Ang magkapatid na Reyes ang sinasabing utak ng pagpatay kay Ortega.
Tatlong taon silang nagtago at hanggang sa naaresto sila ng mga otoridad sa Phuket, Thailand noong nakaraang taon at ibinalik dito sa Pilipinas.
Tumanggi munang mag-komento ang pamilya Ortega kaugnay sa nasabing ruling, dahil hindi pa sila nakakatanggap ng kopya ng order at kailangan pa nilang kausapin ang kanilang abogado.