Dating Coron Mayor Reyes, pinayagan nang mag-pyansa

By Kathleen Betina Aenlle May 07, 2016 - 05:22 AM

reyes-brothersNaglabas ng ruling ang Palawan Regional Trial Court na nagpa-pahintulot na makapagpyansa si dating Coron Mayor Mario Reyes na nasasangkot sa pagpatay sa mamamahayag at environmentalist na si Gerry Ortega.

Ayon sa desisyon ni RTC Branch 52 Judge Angelo Arizala, P500,000 ang halaga kapalit ng pansamantalang kalayaan ni Reyes.

Gayunman, hindi pa nakakapaglabas ng hiwalay na ruling ang parehong korte kaugnay naman sa parehong petisyon ng kapatid ni Reyes at hinihinalang mastermind sa krimen na si dating Palawan Gov. Joel Reyes.

Ang magkapatid na Reyes ang sinasabing utak ng pagpatay kay Ortega.

Tatlong taon silang nagtago at hanggang sa naaresto sila ng mga otoridad sa Phuket, Thailand noong nakaraang taon at ibinalik dito sa Pilipinas.

Tumanggi munang mag-komento ang pamilya Ortega kaugnay sa nasabing ruling, dahil hindi pa sila nakakatanggap ng kopya ng order at kailangan pa nilang kausapin ang kanilang abogado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.