6 sa bawat 10 Filipino sinabing sumama pa ng husto ang kanilang buhay

By Jan Escosio October 27, 2021 - 08:29 AM

Sa nakalipas na isang taon, anim sa bawat 10 Filipino ang nagsabi na lumalala pa ang sitwasyon nila sa halip na bumuti, base sa resulta ng 3rd Quarter 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS).

 

Sa pagtatanong sa 1,200 respondents sa ibat-ibang dako ng bansa noong Setyembre 12 hanggang 16, 57 porsiyento ang nagsabi na sumama pa ang kanilang sitwasyon, 13 porsiyento ang nagsabi na bumuti ang kanilang buhay at 29 porsiyento ang nagsabi walang pagbabago.

 

“The September 2021 Net Gainer score is 13 points down from the very low -31 in June 2021, arresting the recovery from the catastrophic -76 in September 2020 to extremely low -48 in November 2020 and very low -38 in May 2021,” ayon sa SWS.

 

Sa kabuuan, kumpara sa katulad na survey noong Hunyo, dumami ang nagsabi na hindi bumuti ang kanilang kalagayan ngayon nahaharap pa rin sa krisis pangkalusugan ang bansa dulot ng COVID 19.

 

Simula noong April 1983, 142 beses ng nakapagsagawa ng katulad na survey ang SWS para malaman ang pagbabago sa kalidad ng buhay ng mga Filipino sa nakalipas na isang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.