Pitong milyong doses ng bakuna naka-reserba bilang booster shots sa mga health workers, senior citizens

Manila PIO photo

Aabot s apitong milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang ilalaan ng pamahalaan para sa third at booster shots ng mga health workers at may mga immunocompromised.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., dalawang milyon ang para sa mga health workers habang limang milyon ang para sa mga immunocompromised at mga senior citizens.

Sinabi pa ni Galvez na may sapat naman ng suplay ng bakuna ang bansa.

Una rito, inaprubahan na ng Department of Health ang booster shots sa mga health workers at sa mga senior citizens.

 

Read more...