4,393 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Aabot sa 4,393 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ayon sa talaan ng Department of Health, nasa 2,765,672 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 53,642 o 1.9 percent ang aktibong kaso.

Nasa 81.4 percent ang mild o asymptomatic.

Nasa 8,470 naman ang nakarekober habang nasa 135 ang nasawi.

 

Read more...