Sen. Bong Go nangako ng mga dagdag suporta sa mga pulis, sundalo

By Jan Escosio October 26, 2021 - 02:55 PM

Ipinaalala ni Senator Christopher Go na itinutulak niya sa Senado ang pagpasa sa inihain niyang Senate Bill No. 393.

Paliwanag ni Go, layon ng inihain niyang panukala noong 2019 na bigyan ng free legal assistance ang mga pulis at sundalo sakaling maharap sila sa mga kaso na may kaugnayan sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

“Kaya basta in line of duty, full support kami ni Pangulong Duterte sa inyo. Ayaw namin nauunahan kayo na nakabulagta, lalo alam naman natin ‘yung mga drug addict, wala sa tamang pag-iisip ‘yan. Gusto niyo ba maiiwan ang mga maliliit niyo pang anak? Masakit po sa amin,” pagtitiyak ni Go matapos niyang pasinayaan ang ika-145 Malasakit Center sa PNP General Hospital sa Camp Crame.

Kasabay nito, pinasalamatan nya ang mga pulis sa kanilang pagsasakripisyo at patuloy na pagseserbisyo kahit malagay pa sa panganib ang kanilang buhay.

Kayat hinikayat niya ang mga nasa uniformed service na magpabakuna na ng COVID 19 vaccines.

“Please magpabakuna na kayo kung gusto niyong unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay. Libre naman ito at pinagsikapan ng gobyerno. Halos lahat ng mga severe cases ngayon ay ‘yung mga ayaw magpabakuna, ‘yung nag-aantay muna,” babala nito.

Dagdag pa niya; “Huwag niyo na antayin dahil kahit saan ka man magtago, nanghahabol ang COVID-19. Lalo na kayo, exposed kayo. Tingnan niyo ngayon sa Metro Manila, pababa na ang mga kaso at bumubukas ang ekonomiya dahil more than 75% na ang bakunado sa eligible na populasyon.”

TAGS: free legal assistance, news, Pulis, Radyo Inquirer, Senador Bong Go, Senate Bill No. 393, sundalo, free legal assistance, news, Pulis, Radyo Inquirer, Senador Bong Go, Senate Bill No. 393, sundalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.