Lalaking naglagay ng 2 ulo ng baboy sa ginagawang mosque sa Austria, arestado

By Kathleen Betina Aenlle May 07, 2016 - 05:18 AM

graz austriaArestado ang isang lalaking itinuturong naglagay ng dalawang ulo ng baboy sa isang Islamic center at mosque na itinatayo sa Graz, Austria.

Ayon sa tagapagsalita ng pulisya na si Leo Josephus, naglagay ang lalaki ng mga ulo ng baboy sa construction site at binuhusan pa ng dugo ng baboy ang minaret.

Hindi na pinangalanan ang suspek pero ayon sa pulis, ito ay isang 46-anyos na Austrian.

Noong nakaraang buwan lamang, sinabi ng interior ministry na nagkaroon ng 54 percent na pagtaas sa extremist at racist incidents noong 2015.

Halimbawa sa mga insidente ay vandalism at mga pag-atakeng tumataboy sa mga dayuhan na kanilang kinaka-ayawan.

Noong 2015, tumanggap ang Austria ng 90,000 refugees, na naging dahilan kung bakit sila na ang ikalawa sa mga bansa sa European Union na tumanggap ng pinakamaraming refugees.

Sampung beses naman ng nasabing bilang ang pinayagan nilang dumaan sa kanilang teritoryo.

Dahil sa grabeng pagdagsa ng mga migrants, kasabay ng mga sexual assaults na ginagawa ng mga ito, hinigpitan na ng kanilang pamahalaan ang immigration.

Naglabas naman ng pahayag ang Graz Islamic Centre sa kanilang Facebook page, at sinabing ang naganap na pag-atake ay hindi lamang pag-atake sa kanilang mosque kundi sa kanilang buong relihiyon at komunidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.