DepEd nilinaw na boluntaryo ang pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral

By Jan Escosio October 26, 2021 - 02:51 PM

FILE PHOTO

Bilang pagkilala sa mga pangamba at pagkabahala ng mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak, nilinaw ng Department of Education (DepEd) na boluntaryo ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa pilot testing ng limited face-to-face classes.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na inirerespeto nila ang mga pangamba ng mga magulang.

Inulit lang din ng DepEd na mahigpit ang ginagawang paghahanda, lalo na sa gagawing pagpapatupad ng health and safety protocols para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Nauna nang inihayag ng DepEd na may 90 eskuwelahan sa mga low risk areas ang pagkakasahan ng limitadong face-to-face classes simula sa darating na Nobyembre 15.

Sa guidelines ng DepEd at Department of Health, may guidelines para sa ipapatupad na operational rules and contingencies na ang layon ay mabawasan ang panganib na magkaroon ng hawaan ng nakakamatay na sakit sa mga paaralan.

TAGS: deped, face-to-face classes, news, pilot test, Radyo Inquirer, deped, face-to-face classes, news, pilot test, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.