Sen. Win Gatchalian inihirit sa DepEd na kumuha ng libo-libong karagdagang guro
Ibinahagi ni Senator Sherwin Gatchalian na may bakanteng 30,000 teaching positions hanggang nitong Setyembre at ito ay dapat punan agad ng Department of Education (DepEd).
Kailangan aniya na madaliin ng DepEd ang pagkuha ng mga guro ngayon nagpapadagdag ang kagawaran ng P2.58 bilyon sa kanilang 2022 budget para sa pagkuha ng 10,000 guro.
Binanggit ng senador na 71 porsiyento ng unfilled position ng DepEd ay para sa mga guro.
“The positions left unfilled could equate to P13 billion in funds that are not being disbursed. This had been a recurring issue. I remember some senators, including myself, flagged this also last year and the year before that. We have to, once for all, find ways to reduce the six-month turn-around time somehow,”sabi ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education.
Aniya maari naman kumuha para sa Teacher 1 position ng mga aplikante na wala pang karanasan sa pagtuturo.
Ikinatuwiran naman ng DepEd na ang hiring process sa mga guro ay inaabot ng anim na buwan at ginagawa ito sa pakikipag-ugnayan sa Department of Budget and Management at Civil Service Commission.
Naapektuhan din ng pandemya, gayundin ng alternative work arrangement ang pagkuha ng mga bagong guro dahil sa limiting bilang ng kawani ng DepEd.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.