P3.9 milyon pinautang ng DAR sa coffee growers

By Chona Yu October 26, 2021 - 11:36 AM

(DAR photo)

Aabot sa P3.9 milyon ang ipinautang ng Department of Agrarian Reform sa mga magsasaka na nagtatanim ng kape sa Sultan Kudarat.

Ayon kay DAR Regional Director Marion Abella, ito ay para lalo pang mapalakas ang industriya ng kape sa lalawigan.

Ipinagkaloob ng DAR ang pondo sa pamamagitan ng Credit Assistance Program for Program Beneficiaries Development (CAP-PBD)  sa  Keytodac Coffee Growers Association, Inc. (KCGAI).

Ang Keytodac Coffee Growers, Inc. ay isang agrarian reform beneficiary organization na may 24 pamilya ng mga magsasakang benepisyaryo na nagtatanim ng kape sa 72 ektaryang lupa sa bayan ng Lebak.

“Ang CAP-PBD program ay loan credit assistance program ng ahensiya sa pakikipagtulungan ng Land Bank of the Philippines at ng Philippine Crop Insurance Corporation, na naglalayong pondohan ang mga ARB o ARB household members sa pamamagitan ng kanilang mga organisasyon upang suportahan ang crop production, agri-enterprise at livelihood projects,” pahayag ni Abella.

Nauna na sa buwang ito, ang ahensiya ay nagkaloob ng delivery truck sa KCGAI upang matugunan ang suliranin ng mga magsasaka sa gastos sa pagbibiyahe ng kanilang mga produkto.

Ani Abella ibinigay ang sasakyan upang maibyahe nila ang mga sariwang produkto, ng bulto, sa mga merkado ng walang antala, upang maibenta sa mas mataas na presyo.

Ang delivery truck ay naibigay sa ilalim ng Linking Smallholder Farmers to Markets with Microfinance, isang proyekto ng DAR na nag-uugnay sa mga ARBs at mga maliliit na magsasaka para sa supply chain of products upang makatulong na maiangat ang buhay ng mga ARB, maliit na magsasaka, at samahan ng magsasaka.

 

TAGS: coffee growers, DAR Regional Director Marion Abella, news, Radyo Inquirer, sultan kudarat, coffee growers, DAR Regional Director Marion Abella, news, Radyo Inquirer, sultan kudarat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.