Hinamon ni Manila Mayor Isko Moreno ang National Task Force against COVID-19 na kasuhan ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ito ay dahil sa pagbubukas ng DENR sa Dolomite Beach sa Manila Baywalk dahilan para dumugin ng mmga tao at maging super spreader event ng COVID-19.
Ayon kay Mayor Isko, nakadidismaya na sila pa ang nagpapatupad, sila rin ang lumalabag sa mga sariling polisiya.
Hindi na kasi aniya nasunod ang physical distancing sa Dolomite Beach dahil sa dami ng tao.
Bukod dito, pinayagan ding makapasok ang mga bata na nag-eedad 12 anyos pababa.
Ayon kay Mayor Isko, kung hindi kaya ng NTF na kasuhan ang mga kapwa opisyal sa national government, wala nang saysay para ipatupad ang mga polisiya sa mga ordinaryong tao.
Matatandaang libo libong tao ang dumagsa sa Dolomite Beach noong nakaraang weekend.