LTO memo ukol sa operasyon ng PMVICs idinaan sa Viber, napaka-unprofessional! – Sen. Grace Poe
Hindi na nakapagtimpi si Senator Grace Poe at sinabi na ‘unprofessional’ ang ginawa ng Land Transportation Office (LTO) na idaan na lang sa Viber ang paalala na optional at hindi mandatory ang pagtangkilik sa mga Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs).
Ayon kay Poe sa simpleng memorandum ay dapat ipinaalam sa regional offices ng LTO ang paglilinaw ukol sa PMVICs para hindi na nagkaroon ng kaguluhan at kalituhan sa mga motorista.
“That’s very unprofessional. Ano ba naman yung isang page na ipa-type ninyo, ipa-press release na ninyo kung hindi niyo mapaabot o ma-email sa mga regional directors niyo,” pagdidiin ni Poe sa mga opisyal ng LTO.
Sa pagdinig ng 2022 budget ng Department of Transportation sa Senado, kinuwestiyon na ni Poe ang prayoridad ng LTO hinggil sa kanilang mandato na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa mga sasakyan at lansangan.
“Talagang importante ang roadworthiness. Pero kung ipagpiilitan nila yung PMVIC ngayon, the very least they can do is increase the number of operational PMVICs by opening the bidding and making th process transparent. Hindi yung parang nagulat na lang tayo na may mga may-ari na,” sabi pa ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.