DOTr inihirit sa IATF ang dagdag kapasidad sa mga pampublikong-sasakyan

By Jan Escosio October 26, 2021 - 10:30 AM

Inihirit ng Department of Transportation (DOTr) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na dagdagan na ang kapasidad ng mga public utility vehicles (PUVs).

Ibinahagi ni Assistant Secretary  Mark Pastor sa pagdinig ng Senado sa 2022 budget ng DOTr, sumulat na sila sa IATF para ipaalam ang kanilang rekomendasyon na dagdagan ang mga maaring sumakay na pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Nais ng DOTr dimauno na ibalik na sa punuang kapasidad ang mga PUVs.

Ngunit kapwa sinabi naman nina Senators  Nancy Binay at Imee Marcos na base sa kanilang obserbasyon hindi na nasusunod ang limitasyon sa seating capacity sa mga bus at jeep dahil puno na ng mga pasahero ang mga ito.

Diumano, ang pagdaragdag ng kapasidad sa mga pampublikong sasakyan ay isang paraan para maibsan ang epekto ng mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo bukod sa taas-pasahe.

TAGS: Assistant Secretary  Mark Pastor, dotr, news, public utility vehicle, Radyo Inquirer, Senator Imee Marcos, Senator Nancy Binay, Assistant Secretary  Mark Pastor, dotr, news, public utility vehicle, Radyo Inquirer, Senator Imee Marcos, Senator Nancy Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.