Kagubatan sa 3 bayan ng Pangasinan, nasunog

By Kathleen Betina Aenlle May 07, 2016 - 05:11 AM

fire-defaultMistulang literal na ningas kugon ang naganap sa halos 140 ektaryang kagubatan at damuhan sa mga kabundukan sa tatlong bayan ng Pangasinan.

Ayon sa community environment and natural resources officer ng Dagupan City na si Celso Salazar, 45 na ektarya ng kagubatan ang nasunog sa dalawang barangay sa bundok sa bayan ng Bugallon, at isa pang 90 ektarya sa bayan ng Labrador.

Nagkaroon rin ng sunog sa 5 ektarya ng bundok sa bayan ng San Manuel.

Nagsimula ang sunog sa Bugallon dakong ala-una ng hapon ng Huwebes matapos bigong ma-apula ng mga nangangalap ng kawayan ang apoy na ginamit nilang pangluto sa Brgy. Hacienda.

Madaling nag-ningas ang mga tuyong damo na tumupok agad sa 10 aktarya ng gubat.

Tumawid pa ang apoy sa katabing Brgy. Laguit Padilla kung saan nasa 35 ektarya naman ang nasunog na gubat at damuhan.

Nagawa naman itong maapula ng mga bumbero at forest rangers dakong alas-diyes ng gabi.

Subalit habang may nasusunog sa Bugallon, isa pang sunog naman ang sumiklab sa Labrador ng alas-4 ng hapon na dulot naman ng mga tuyong dahon na sinusunog sa pribadong lote sa Brgy. Poblacion.

Sa San Manuel naman, nasunog ang 5 ektarya ng kugon sa Sitio Lower Lilac sa Brgy. San Roque na ilang daang metro lang ang layo sa San Roque Dam. Sumiklab ito ganap na alas-sais y medya ng gabi at na-kontrol din makalipas ang dalawang oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.