Pediatric COVID vaccination tatapusin sa Disyembre 2021
Target ng pamahalaan ng Pilipinas na matapos na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata sa buwan ng Disyembre ngayong taon.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., tuluyan nang umarangkada ang first at second dose vaccination.
Base sa talaan ng Department of Health, nasa 1.2 milyong bat ana nag-eedad 12 hanggang 17 anyos na mayroong comorbidities ang kailangang mabakunahan kontra COVID-19.
Sinabi pa ni Galvez na binuksan na rin ngayon ng National immunization Technical Advisory Group at iba pang mga eksperto ang pagkakaroon ng third dose sa mga health workers at immunocompromised.
Ayon kay Galvez, oras na matapos na ang pagbabakuna sa mga bata, sunod naman ang mga health workers para sa kanilang third dose.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.