102 pang overseas Filipino, naka-recover sa COVID-19; Tatlo nasawi
May 101 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 25, nasa 23,569 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 103 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 8,338 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
102 naman ang bagong gumaling kung kaya 13,833 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Tatlo naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,398 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 13,125 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,651 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 1,041 naman ang kaso sa Americas at 5,752 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.