Sen. Bato dela Rosa ipinaalala kay Mayor Sara Duterte na malapit na ang Nob. 15

By Jan Escosio October 25, 2021 - 05:53 PM

Sinadya ni Senator Ronald dela Rosa si Mayor Sara Duterte sa Davao City Hall.

 

Si dela Rosa na ang nagsapubliko ng kanyang pakikipagkita sa presidential daughter sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Facebook account ng retrato kasama si Duterte.

 

‘Happy Monday po sa lahat. “Teaser lang muna ito sa aming meeting with Mayor Inday Sara minutes ago at Davao City Hall,” ang isinulat ni dela Rosa na caption sa nabanggit na retrato.

 

Nang hingian naman siya ng karagdagang detalye ang naging sagot ni dela Rosa sa Senate Media ay; ‘Just reminded her that Nov. 15 is fast approaching.”

 

Hanggang sa Nobyembre 15 maaring magkaroon ng ‘substitution’ sa mga aatras na naghain ng kandidatura, ayon sa Comelec.

 

Magugunita na matapos siyang patakbuhin ng PDP – Laban bilang kanilang standard-bearer sa 2022 elections, sinabi ni dela Rosa na handa siyang magbigay daan kay Duterte kung magdedesisyon itong sundan ang yapak ng kanyang ama.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.