Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (October 25), nasa 2,761,307 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 57,763 o 2.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,405 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
76.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.5 porsyento ang asymptomatic; 9.72 porsyento ang moderate; 5.3 porsyento ang severe habang 2.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 149 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 41,942 o 1.52 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 7,561 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,661,602 o 96.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.