Boracay rehab, target makumpleto bago ang June 2022

By Angellic Jordan October 25, 2021 - 03:07 PM

DENR photo

Upang tuparin ang mandato na maayos ang sikat na isla sa Aklan, determinado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na matapos ang ginagawang rehabilitasyon ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) bago matapos ang termino sa June 2022.

Ayon kay DENR Secretary at BIATF chair Roy Cimatu, sapat na ang ibinigay na term extension upang makumpleto ang rehabilitasyon sa tourist destination.

“As we all know, the 2022 polls is just around the corner, thus, we must ensure that we have the proper mechanisms in place so that our hard work and efforts would not turn to naught,” saad ng kalihim.

Dagdag nito, “We hope that what we leave behind for Boracay would be those that are worthy to be sustained or built upon by those succeeding us.”

Sa pulong ng BIATF officials noong October 22, iniulat ni Cimatu na bumuti ang kalidad ng tubig sa mga isla ng Boracay simula nang isagawa ang rehabilitasyon noong 2018.

Sinabi naman ni Boracay Inter-Agency Rehabilitation and Management Group (BIARMG) General Manager Natividad Bernardino na ang June 2022 target ay isang ‘realistic goal’ para sa pagkumpleto ng rehabilitasyon.

Sa ngayon kasi, ang the 25+5 beach easement ay 83 porsyento nang tapos.

Ayon naman kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, inaasahang maaabot ang 100 porsyentong COVID-19 vaccination sa mga residente at tourism worker ng isla sa pagtatapos ng October 2021 kasunod ng pagdating ng 35,100 doses ng Pfizer vaccine noong October 21.

Halos 92 porsyento o 11,779 ng 12,809 ng tourism workers, kabilang ang tricycle drivers, souvenir shop personnel, at massage therapists, ay nakatanggap na ng kanilang first dose, habang 77.87 porsyento o 19,039 ng 24,451 residente naman ang nakakuha na ng kanilang first dose.

TAGS: BIATF, boracay, BoracayRehab, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RoyCimatu, BIATF, boracay, BoracayRehab, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RoyCimatu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.