Sa ikaanim na sunod na taon, target collection ng NTC, nalagpasan pa
Nalagpasan ng National telecommunications Commission (NTC) ang target collection nito para sa taong 2021.
Sa report ng NTC, lagpas na ng P2.29 bilyon o 43.5 porsyento ang kanilang koleksyon para sa taong 2021.
Ang actual collection ng NTC ay umabot na sa P7.57 bilyon hanggang ctober 15, 2021, na lagpas na sa target collection na P5.27 bilyon.
Ito na ang ikaanim na sunod na taon lumagpas ang koleksyon ng NTC sa kanilang target.
Nagpasalamat naman si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa bumubuo ng NTC at ng DICT, kabilang si DICT Secretary Gregorio Honasan II.
“Our collective effort in providing excellent public service indeed made us surpass what was expected of us,” ayon kay Cordoba.
Ani Cordoba, lumagpas ang koleksyon ng NTC sa target nito sa kabila ng COVID-19 restrictions bunsod ng nararanasang pandemya.
Ayon sa NTC, bunsod ito ng pagsisigasig ng mga tauhan ng ahensya upang istriktong mapasunod ang mga stakeholder sa pag-remit ng spectrum users’ fees, supervision at regulation fees at penalties.
Ang NTC ang ahensya ng gobyerno na nagre-regulate sa cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial and portable radio operators.
“The achievement for the past six years demonstrates the NTC and DICT’s full support to the national government and the public service programs pushed by President Rodrigo Roa Duterte – priorities of which are on infrastructure, agriculture and rural development, and peace and order,” ayon pa sa NTC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.