Sa gitna ito ng tumataas na bilang ng insidente ng depression at suicide bilang resulta ng COVID-19 pandemic.
Pinuna ng kongresista, limang porsyento lamang sa kabuuang budget ng Department of Health (DOH) ang inilaan sa mental health.
Dahil dito, inihain ni Robes ang House Bill 9980 na layong magtatag ng mental health clinic sa San Jose Del Monte City sa Bulacan, na magiging kauna-unahan sa bansa kapag naisabatas.
Pasado na ang panukala sa Kamara at hinihintay na lamang ang pag-apruba ng Senado.
Ang nasabing mental health clinic ay popondohan ng pamahalaang panglungsod katuwang ang DOH.
Kabilang sa mga serbisyong ibibigay nito ay counseling at therapy, iba’t ibang psychiatric services at psychotherapy services sa mga pasyenteng may anxiety, trauma at depression.