Mental health, dapat maisama sa mga prayoridad ng gobyerno – Robes
Itinulak ni House Committee on People’s Participation chairperson Rida Robes na matutukan rin ng pamahalaan ang mental health sa bansa.
Sa gitna ito ng tumataas na bilang ng insidente ng depression at suicide bilang resulta ng COVID-19 pandemic.
Pinuna ng kongresista, limang porsyento lamang sa kabuuang budget ng Department of Health (DOH) ang inilaan sa mental health.
Dahil dito, inihain ni Robes ang House Bill 9980 na layong magtatag ng mental health clinic sa San Jose Del Monte City sa Bulacan, na magiging kauna-unahan sa bansa kapag naisabatas.
Pasado na ang panukala sa Kamara at hinihintay na lamang ang pag-apruba ng Senado.
Ang nasabing mental health clinic ay popondohan ng pamahalaang panglungsod katuwang ang DOH.
Kabilang sa mga serbisyong ibibigay nito ay counseling at therapy, iba’t ibang psychiatric services at psychotherapy services sa mga pasyenteng may anxiety, trauma at depression.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.