Withdrawal para sa substitution of candidates hiniling ng ilang senador na ipagbawal

By Jan Escosio October 25, 2021 - 12:41 PM

Naghain ng panukalang-batas si Senator Sherwin Gatchalian na magbabawal sa opsyon na maging daan ng substitution ang pagbawi ng kandidatura.

Ang panukala ni Gatchalian ay suportado nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Nancy Binay, Grace Poe at Joel Villanueva.

Sa hiling ng senador na maamyendahan ang Omnibus Election Code ang pagpapalit sa kandidato ay maaring gawin kapag ang naghain ng kandidatura ay naging ‘incapacitated.’

“Sagrado ang balota. Kaya dapat lamang na pahalagahan natin ang paghahain ng kandidatura tuwing eleksyon. Isang pribilehiyo ang makapagsilbi sa bayan kaya dapat lamang na ang personalidad na unang napili ng partido ay buo na ang loob na tumakbo,” aniya.

Diin nito maliwanag naman ang intensyon ng batas na maging maayos ang eleksyon at hindi dapat ito naabuso.

“Kapag nag-file ka, ‘yun na, hindi na dapat palitan. Papalitan ka lang kung ikaw ay namatay o kung ikaw ay na-disqualify,” dagdag pa ni Gatchalian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.