Hinimok niya ang Korte Suprema na pag-aralan at ikunsidera ang mga polisiya ukol sa environmental impact assessment.
Pagdidiin ng senador maaapektuhan ng reclamation project ang agos ng tubig na dumadaloy palabas ng Manila Bay at ito ang Imus River, Bacoor River, Molino River, pawang sa Cavite; Las Piñas River sa Las Piñas City at Parañaque River sa Parañaque City.
Dagdag pa ni Villar maaring bigyan pansin din ng Korte Suprema ang Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act o RA 11038 na naipasa noong 2018.
Sa desisyon, napaboran ang Alltech Contractors na may mga isinusulong na proyekto sa dalampasigan ng Piñas at Parañaque, ngunit idineklarang ilegal at napawalang bisa na rin ang environmental compliance certificace (ECC).
Pagdiiin pa ni Villar na hindi maaring magsagawa ng reclamation projects sa Las Piñas Parañaque Wetland Park sa katuwiran na may ‘buffer zone’ ito sa Manila Bay.
Pagtanggal sa ‘subersive reading materials’ sa state universities hiniling imbestigahan