Sen. Cynthia Villar iaapila ang desisyon ng Korte Suprema sa Manila Bay reclamation

By Jan Escosio October 25, 2021 - 08:56 AM

 

Inanunsiyo ni Senator Cynthia Villar na maghahain siyang motion for reconsideration (MR) sa Korte Suprema kaugnay sa desisyon na pumabor para sa reclamation ng bahagi ng Manila Bay sa mga lungsod ng Las Piñas at Paranaque.

Hinimok niya ang Korte Suprema na pag-aralan at ikunsidera ang mga polisiya ukol sa environmental impact assessment.

Pagdidiin ng senador maaapektuhan ng reclamation project ang agos ng tubig na dumadaloy palabas ng Manila Bay at ito ang Imus River, Bacoor River, Molino River, pawang sa Cavite; Las Piñas River sa Las Piñas City at Parañaque River sa Parañaque City.

Dagdag pa ni Villar maaring bigyan pansin din ng Korte Suprema ang Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act o RA 11038 na naipasa noong 2018.

 

Sa desisyon, napaboran ang Alltech Contractors na may mga isinusulong na proyekto sa dalampasigan ng Piñas at Parañaque, ngunit idineklarang ilegal at napawalang bisa na rin ang environmental compliance certificace (ECC).

 

Pagdiiin pa ni Villar na hindi maaring magsagawa ng reclamation projects sa Las Piñas Parañaque Wetland Park sa katuwiran na may ‘buffer zone’ ito sa Manila Bay.

 

Pagtanggal sa ‘subersive reading materials’ sa state universities hiniling imbestigahan

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.