LP may Plan B, Roxas ilalaglag, ayon kay Senator Marcos

By Chona Yu May 06, 2016 - 03:31 PM

Kuha ni Chona Yu
Kuha ni Chona Yu

Ibinunyag ni vice presidential aspirant, Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na may nilulutong “Plan B” ang Liberal Party.

Ayon kay Marcos, sa naturang plano, ilalaglag umano si LP bet Mar Roxas habang ipupursige naman ang kandidatura ni vice presidential aspirant, Rep. Leni Robredo.

Kapag nanalo daw kasi si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay ipapa-impeach ito para maupo namang pangulo si Robredo.

Ito ay dahil sa takot aniya ang mga taga LP na makulong dahil sa mga pinaggagawa ng administrasyong Aquino.

Malinaw ayon kay Marcos na nakikita na ng mga taga LP ang rehas at tiyak na kalaboso na ang mga ito.

Pero ayon may Marcos, hindi lang niya matukoy kung ang “Plan B” ay opisyal na plano ng partido o tanging ang mga taong nasa paligid lang ng LP ang nasa likod nito.

Tiniyak pa ni Marcos na “A1” ang kaniyang impormasyon dahil mismong taga LP ang nagsabi nito sa kanya./-

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.