PBA Finals: Magnolia nakaiwas na malubog sa hukay kontra TNT

By Jan Escosio October 24, 2021 - 09:46 PM

Napunta sa wala ang pagsabog ng 39 puntos ni TNT Tropang Giga rookie Mikey Williams nang makuha ng Magnolia Hotshots ang Game 3 ng PBA Philippine Cup Finas sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

 

Naitakas ng Magnolia ang 106 – 98 panalo kontra TNT para matapyasan ng isang panalo, 2 – 1, ang kanilang hinahabol sa serye.

 

Binanderahan naman ni Paul Lee ang Magnolia sa kanyang 21 puntos samantalang si Ian Sangalang ay nag-ambag ng 20 puntos, 16 kay Mark Barroca at 14 naman kay Calvin Abueva para sa balanseng opensa.

 

Ayon kay coach Chito Victolero hinigpitan na nila ang kanilang depensa sa ibang manlalarong ng TNT.

 

Tumira ng 18 tres si Williams at 10 ang kanyang naipasok. Kinapos lang siya ng tatlong puntos para mapantayan nito ang 42 puntos na ginawa ni Eric Menk sa kanyang rookie year habang naglalaro para sa Tanduay noong 1999 All-Filipino Cup laban sa Shell.

 

Iskor:

MAGNOLIA 106 – Lee 21, Sangalang 20, Barroca 16, Abueva 14, Jalalon 11, Dela Rosa 9, Corpuz 7, Reavis 5, Ahanmisi 3, Melton 0

TNT 98 – M.Williams 39, Pogoy 14, Erram 10, Castro 9, Heruela 8, Marcelo 7, K.Williams 4, Reyes 3, Rosario 2, Khobuntin 2, Montalbo 0, Exciminiano 0, Mendoza 0

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.