Senador Bong Go nanguna sa vice presidential survey

By Chona Yu October 24, 2021 - 08:37 PM
Pinakain ng alikabok ni Senador Bong Go ang mga kalabang kandidato sa pagka-bise presidente ng bansa sa susunod na taon. Ito ay dahil sa nanguna si Go sa vice presidential survey na isinagawa ng Publicus Asia Incorporated. Nakakuha si Go ng  23.6% rating kumpara sa mga kalabang sina Doctor Willie Ong na nakakuha ng 19% at Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 17.3%. Pang-apat si Senador Kiko Pangilinan sa 12.3%, sumunod si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na may 2.6%. May kabuuang 1,500 respondents ang sumagot sa isinagawang survey noong October 11 hanggang October 18, 2021.

TAGS: bong go, Publicus Asia Incorporated, Radyo Inquirer, Vice presidential survey, bong go, Publicus Asia Incorporated, Radyo Inquirer, Vice presidential survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.