Sinabi ni Eleazar na sapat ng dahilan ang COVID 19 para hindi muna isagawa ang mga nakasanayang aktibidad sa tuwing sasapit ang Undas.
Gayunpaman, maari naman itong gawin ng mga pamilya sa kanilang bahay para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
“Batid ng inyong Philippine National Police ang mga nakaugaliang tradisyon tuwing nalalapit ang Undas gaya ng mga halloween party at trick or treat para sa mga bata at maaring magkalakas ng loob ang ilan sa atin dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa,” sabi ng hepe ng pambansang pulisya.
Dagdag pa ni Eleazar ang hindi ligtas na ‘trick or treat’ ay maaring maging ‘trip to treatment’ sa ospital.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na maari naman magsagawa ng Halloween parties at ‘trick or treat’ ngunit dapat ay limitahan lang ito sa mga miyembro ng pamilya at huwag mag-imbita ng ibang tao sa bahay.