Senatorial candidate Francis Tolentino, nagpasalamat sa mga grupong sumusuporta sa kaniya

By Dona Dominguez-Cargullo May 06, 2016 - 03:24 PM

Photo Release
Photo Release

Malaki ang pasasalamat ni senatorial candidate Francis Tolentino sa mga grupong sumusporta sa kaniyang kandidatura.

Ayon sa dating chairman ng MMDA, sa kabilang ng pagiging independent candidate at walang tulong mula sa malaking partido ay marami pa rin ang nagpahayag ng suporta sa kaniya.

Sa ulat na lumabas, si Tolentino ay number 1 sa mga ini-endorsong senatorial candidates ng Iglesia ni Cristo (INC) na kilala sa bloc voting.

Maliban dito, nakuha din ni Tolentino ang endorsement ng lahat ng 33 mayor ng mga bayan at siyudad sa Cavite na pangalawa sa may pinakamalaking bilang ng registered voters sa bansa.

Si Tolentino ay dating mayor ng Tagaytay City.

Ang grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay isinama rin si Tolentino sa 12 senatorial candidates na inendorso nila.

Naniniwala ang TUCP na maisusulong ni Tolentino ang batas para sa disenteng trabaho at kontra-contractualization.

Aabot daw sa 12-milyong ang miyembro ng TUCP sa mga buong bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.