Lower courts may skeletal force sa Lunes, araw ng eleksyon

aug 27 justiceMagtatalaga ng skeletal force ang mga mababang korte sa bansa sa Lunes, May 9 araw ng eleksyon.

Sa circular ni Court Administrator Midas Marquez, inatasan ang lahat ng executive judges at clerks of courts na maglagay ng sckelal forces sa Lunes, na deklaradong holiday.

Sakop ng kautusan ang lahat ng regional trial courts, metropolitan trial courts, at municipal trial courts sa mga lungsod.

Pinagdu-duty rin sa Lunes ang mga hukom at clerks of court sa RTCs, MeTCs, MTCC, Municipal Trial Courts, at Municipal Circuit Trial Courts.

Ito ay para agad matugunan ang mga kaso na posibleng isampa sa Lunes.

Kabilang din sa pinaaasikaso sa mga tanggapan ng Clerk of Court sa lahat ng trial courts sa buong bansa ang pagkulekta sa court fees at pagtanggap sa cash bonds at iba pang bond na maaring ilagak kapag may naganap na election offense.

 

Read more...