Bilang ng mga lugar na naka-granular lockdown nabawasan na
Lalo pang bumaba ang bilang ng mga lugar na nasa granular lockdown.
Ayon sa talaan ng Philippine National Police, mula sa 102, nasa 88 na lamang ang mga lugar na naka-lockdown dahil sa kaso ng COVID-19.
Dalawa sa lugar ay nasa Northern Police District, 38 sa Eastern Police District, 29 sa Manila Police District, at 19 sa Quezon City Police District.
Aabot sa 302 na pulis at 222 na force multipliers ang nakakalat sa mga lugar na naka- granular lockdown.
Nasa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang sa October 31.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.