7 patay, 20 sugatan sa pag-atake sa Bangladesh

By Chona Yu October 23, 2021 - 08:17 AM

Patay ang pito katao habang 20 iba ang sugatan matapos atakihin ang isang Islamic seminary na nagsisilbing Rohingya refugee camp sa Bangladesh.

Ayon sa ulat, pinagbabaril at pinagsasaksak ang mga nasawi.

Naganap ang insidente habang lumalala ang tensyon sa pagitan ng mga refugees mula Myanmar at Bangladesh.

Nabatid na apat sa mga nasawi ay agad na binawian ng buhay habang ang tatlo ay binawian habang nasa ospital.

 

TAGS: Bangladesh, myanmar, refugee, Rohingya, Bangladesh, myanmar, refugee, Rohingya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.