PBA Finals: Tropang Giga naka-‘two hits’ na sa Magnolia

By Jan Escosio October 22, 2021 - 08:54 PM
PBA IMAGES

Sinubukang sabayan ang TnT Tropang Giga ng Magnolia Hotshots ngunit kinapos ang huli para makuha ng una ang magkasunod na panalo sa 2021 PBA Philippine Cup Finals.

 

Muling maagang rumemate ang TnT at hindi na sila bumitaw hanggang sa huli para sungkitin ang pangalawang panalo, 105 – 93, sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

 

Muling pinangunahan ni rookie Mikey Williams ang Tropang Giga sa kanyang 28 puntos at siya na ang nagsilbing pamatay-sunog nang magningas ang opensa ng Magnolia at maibaba ang lamang sa apat na puntos mula sa pinakamataas na 21.

 

Ang mga beteranong sina Jayson Castro ay gumawa ng 16 at 12, samantalang 10 naman ang ginawa ni Ryan Reyes.

 

Sa kabila ng nararamdamang pananakit ng likuran, mistulang mag-isang binuhat ni Ian Sangalang ang Magnolia sa kanyang 25 puntos.

 

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa darating na araw ng Linggo sa ganap na ala-4:35 ng hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.