Partikular na pinatututukan ang mga nasa restaurant at in-person services’ business.
Hiniling din niya na bigyan ng konting luwag ang mga manggagawa dahil hindi pa rin sapat ang suplay ng COVID-19 vaccines sa lahat ng lugar.
Diin ni Drilon, mismong si vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang umaming marami pa ring hamon sa distribusyon ng mga bakuna sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.
Dagdag pa ng senador, hindi dapat ipasa ng gobyerno ang responsibilidad sa mga empleyado dahil aniya dapat ang mga negosyante ang nag-aasikaso ng bakuna ng kanilang mga tauhan.
Sinabi pa nito na magpapabakuna naman ang mga manggagawa kapag may bakuna na at sa ngayon aniya ay kailangan intindihin muna ang kanilang sitwasyon.