Pharmally exec, sinabing ‘foul’ ang panggigipit ng Senate Blue Ribbon Committee
Sinabi ni Mohit Dargani, corporate secretary ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na hindi patas ang Senate Blue Ribbon Committee sa kanila.
Sa inilabas na pahayag ni Dargani, sinabi nito na sa halip na pakinggan sila ay mistulang pinipilit silang idiin pa ang kanilang mga sarili.
“They want us detained because we asserted our rights, they can’t get what they want to hear from us. Walang kinalaman ang Presidente sa transactions naming sa PS – DBM,” sabi ni Dargani patukoy sa Procurement Service ng Department of Budget and Management.
Dagdag pa nito na inaakusahan sila dahil sa pulitika.
“Malapit na eleksyon and we are like hostages. Hindi na para sa bayan but for their political survival. They treat us like criminals whose lives aren’t worthy of living anymore,” pahayag pa ni Dargani.
Aniya, nakikipagtulungan naman sila at inirerespeto ang komite ngunit aniya, sablay na ang ginagawa sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.