Pilipinas, iniiwasan ng foreign investors dahil sa mahal na kuryente – partylist solon

By Jan Escosio October 22, 2021 - 06:27 PM

Pinuna ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate ang panibagong pagtaas ng halaga ng kuryente sa buwan ng Oktubre.

Diin nito, ang mataas na presyo ng kuryente ang dahilan kaya iniiwasan ng mga banyagang mamumuhunan ang Pilipinas.

“Talaga namang napakamahal ng kuryente dito more than dun sa sinasabi nilang rason na mataas ang labor cost dito. I don’t think that is the real reason, ‘yung reason talaga kaya ayaw pumunta ng mga investors dito ay ang napakamahal na kuryente,” sabi nito.

Aniya, nagsisilbing balakid sa muling pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa ang isyu sa halaga ng kuryente.

Kasabay nito ang kanyang apila sa Meralco na maging responsableng korporasyon at isipin ang kalagayan ng mga konsyumer ngayon may pandemya.

Giit ni Zarate, hindi naman ikakalugi ng power distributor kung hindi nila ipapasa sa mga konsyumer ang tinatawag na ‘pass on charges.’

Una nang inanunsiyo ng Meralco ang karagdagang P0.283 per kilowatt hour na kanilang idagdag sa kanilang sisingilin at ito ay nangangahulugan ng karagdagang P5.66 sa mga nakakonsumo ng hanggang 200kWh,
P8.49 sa mga gumagamit ng 300 kWh, at P14.15 sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.

TAGS: CarlosZarate, InquirerNews, RadyoInquirerNews, CarlosZarate, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.